Ran: Tour of Duty [entries|friends|calendar]
sachiko_neesama

 
[ userinfo | livejournal userinfo ]
[ calendar | livejournal calendar ]

This Blog will be Temporarily Inactive [03 Feb 2008|02:55pm]
For now, I am currently using a Friendster account at
http://www.friendster.com/atesachiko

My hosted Ran Online fixes/files (I swear these are 100% clean and virus-free!)
http://hosted.filefront.com/sachikoneesama

Gokigenyou!
post comment

GUI Streamlining / Uniform Update [15 May 2007|05:57pm]
http://forums.e-games.com.ph/index.php?topic=122203.0

Want new Modified Bars, New Campus Uniform Look?

Download it here:

1. http://files.filefront.com/modified_bars_and_school_srar/;7217008;/fileinfo.html

Extract the Files in Texture folder in your Ran Online Client Folder
C:/Program Files\eGames\Ran_PH\textures

2. http://files.filefront.com/charrar/;7219398;/fileinfo.html

Extract the Files in Texture folder in your Ran Online Client Folder
C:/Program Files\eGames\Ran_PH\textures

Thanks to:
Ciel
Fukuya

Remember to Keep a back-up copy of the texture folder if you don't like this one. [copy and save it in different directory (myDocuments)] Wag po idedelete.^_^ Kase hindi nyo na po mairerestore sa dati kung ayaw nyo nito, or much better kung wag nyo na lang po i-download kung problema lang ang iniisip nyo. Share lang nila ito, yun lang. No flame please. Thanks!
post comment

Ran Online Wishlist [03 May 2007|02:34pm]
1. Stable server-side software with reduced CPU power consumption and added database control.
2. Full control of graphics, audio and gameplay.
3. Additional quests to make the stay worthwhile.
4. Added maps to reduce congestion and the possibility of kill-stealing.
5. "Lock-on ownage" mob targeting system to eliminate kill-stealing.
6. Better methods of updating the game software.
7. Password locks for character deletion and locker access.
8. A wider variety of weapons, armor sets and items.
9. More character classes and "second jobs".
10. Streamlined interface.
11. Expanded friendlist.
12. Expanded guild alliance.

All right, I have something else to finish off. Like that remaining 40% EXP.
post comment

The Sign of Defiance [26 Mar 2007|11:48am]
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Surrender? HA!
post comment

Gonna Be Back Soon. [03 Mar 2007|04:05am]
post comment

Formal Declaration to Retire [09 Feb 2007|11:58am]
[ mood | solemn ]

Effectively after 12 midnight of February 11, 2007, I shall formally retire from Ran Online, due to financial and personal reasons, and continuous technical problems plaguing the online game resulting in countless number of unresolved complaints from other players.

It was a honor to be playing Ran, and I shall treasure the experience of being there, whether it's triumph or tragedy.

Thank you to all concerned.

Screw it. I'm going back in.

post comment

Server Lag Plagues Battle Royale Contest; POGS 06-07 Report [20 Jan 2007|05:13pm]
Couldn't get to the EB event at Glorietta today due to budgetary constraints and for personal reasons.

Last Friday's event at SM's Mall of Asia was supposed to go smoothly with around 300 PCs wired to Globelines for the slugfest, but according to Leimrey, everything went downhill as server and connection lag bogged down participants and caused the contest to be prolonged, resulting to disgruntled reactions from the fighters.

Previously at the POGS 06-07 event, where three teams of four from tournament semifinals held at the various Station 168 branches fought until the SG team emerged victorious, I felt that it's high time to use a mobile, independent game server that can be deployed elsewhere for special events such as tournaments and the aforementioned Battle Royale.

Anyway, here's the POGS report:

The POGS 06-07 Report )
post comment

Trying to Bring Order to the Chaos [16 Jan 2007|04:57pm]
[ mood | determined ]

Need serious discussions on Ran, minus the spam, the flooding and the mindlessness? This is the cure:

http://z6.invisionfree.com/referandum/index.php?

Enough is enough. It's about time to bring order out of chaos.

post comment

Mga Saloobin Tungkol sa "Black Tuesday" [30 Dec 2006|08:37pm]
Ang nangyaring Strife rollback noong Disyembre 19 ay isang bagay na hindi natin naasahan, lalo na ang Strife ay ang pinakamatandang game server sa lahat, at nalalapit na ang sukdulan na magkakaroon ng iba pang problemang pangsistema.

Sa isang major rollback, may nawawalang exp points, items at iba pang bagay na pinagpaguran ng mga manlalaro, kaya natural lamang na kailangang ilabas ang hinaing ng karamihan. Ngunit iilan ang mga manlalaro na mahinahon na tinatanggap ang nangyaring rollback, at ang karamihan ay naglabas ng malaking sama ng loob, lalo na't pinutakti ng mura at iba pang maanghang na salita laban sa mga kinauukulan ng e-Games. May mga tsismis na may gagawa ng hakbang na legal ang ilang manlalaro.

Ok sana na ilabas ang hinanakit sa maayos na paraan, pero sa mga masyadong maiinit ang ulo, anong ipinipinta ng iba sa mga Ranatic? Pangit at di-kanais-nais ang magiging trato. Sa tingin ng outsider ilan sa atin, kahiya-hiya't masyado nang bastos parang magpapatay na ng tao.

Bueno, ang leksyon dito ay dapat nang saloobin ng mga namamahala: ang game server ay mission critical, na kung saan di dapat ipagwalang-bahala ang kaligtasan ng data sa loob ng game server, at dapat laging sigurado na maayos ang pagpapatakbo 24/7: magbackup sila ng data tatlong beses isang linggo; RAID ang configuration ng hard disk ng server; at iba pang paraan na maka-"mission-critical". At sa huli, banggit ni Amano2003, dapat may contingency/disaster plan kung sakaling mangyari uli ang ganitong sitwasyon.

Sa isinasagawang pag-recover ng mga nawawalang EP, items, experience points... ang prosesong ito ay talagang matatagalan dahil sa dami ng mga manlalaro ng Strife, at natural na kakainin ito ang oras ng mga kinauukulan sa halip na may sapat na oras na pangalagaan ang mga ibang sistema ng e-Games.

Timeless talaga ang payo na ito: "An ounce of prevention is better than a pound of cure." Ito ang dapat na tandaan ng mga sysadmin ng e-Games.

Para sa pangwakas, tandaan na natin na laro lamang itong Ran, at pag-abalahan na natin ang mga pangangailangan at hamon ng tutoong buhay.

Maligayang Pasko, at Manigong Bagong Taon!
post comment

O, May Pagkuhanang Info! [01 Dec 2006|02:21am]
Simula muna dito:
http://renewal.mincoms.co.kr/english/

Interview with PB Kim:
http://www.mmorpg.com/gamelist.cfm/setview/features/loadFeature/765/gameID/214

Komentaryo: um... parang kulang pa ang data doon sa Min.
post comment

Kaya Pala Kung Bakit May LAG! [28 Nov 2006|10:09pm]
[ mood | shocked ]

http://www.yugatech.com/blog/?p=481&cp=1#comment-13243

L84skewl says:
March 5th, 2006 at 10:32 pm

I think mas maganda ang PLDT DSL if you’re in to gaming since they are a member of Philippine Internet Exchange on which Globelines isn’t. I’m on Globelines DSL connection and it sad to say that as a gamer it is not recommended if you’re connected to a 768kbps subscription. Perhaps the 2mbps subscription of Globelines is good but I haven’t tried it though.

As far as I know most PLDT myDSL subscribers even at 384 and playing local Philippine games are not experiencing that much lag. But still IT DEPENDS ON WHAT CONNECTION IS THE SERVER OF THAT PARTICULAR GAME, since subscribers and that server will automatically synchronize and will not go ‘AROUND’ it.

Mostly though, game servers are on PLDT myDSL or others that are a member of PhIX and connected to Philippine eXchange backbone. If only Globelines and Bayantel are networked to this then we, the gamers, wouldn’t have any problem in the latency.

Anyway, as for the connection speeds it’s good to know that ISPs here in the Philippines are upgrading. I’ll be getting that 2mbps soon but I’m on Globelines. Haven’t tried PLDT myDSL since it’s still not available here in Bohol, the residential i mean, the the Biz is now available. Hopefully I can compare it soon. A 2mbps would be enough for gaming I think.
post comment

Mga Bagay na I-FPK ng Buhay: Scam Sites [27 Nov 2006|10:43am]
http://forums.e-games.com.ph/index.php?board=7.0

Sa loob ng link na iyan lahat ng mga tarantado na nakafeature dyan ay mabubulgar at mawawalan ng saplot.

Para sa lahat ng kapwa player, n00b o beterano, WAG KAYONG MANIWALA SA MGA PANGAKONG MATATAMIS NG MGA MANLOLOKO, MAGING TUTOONG BUHAY o SA LOOB NG RAN. Walang maloloko at walang manloloko kung hindi magpapaloko. Dapat mag-ingat tayo sa loob ng laro... at sa labas.

Yun lang. ;)
post comment

Ano ba naman tungkol sa mga ISP? At na-hack kong kapwa players?! [26 Nov 2006|02:48am]
[ mood | iritado ]

BABALA: Talagang magbabanggit ako ng pangalan, at prangkahan na ito, dahil kahit nga ako na bilang mod at gamer ay napeperhuwisyo.

Karamihan ng mga naglalaro sa ilalim ng PLDT myDSL o sa SMART Bro ay, as usual, natatamaan ng lag pag naglalaro, tapos ang maswerte ay ang mga gumagamit ng Globelines o Bayantel. Kakainggit! Tapos... Bakit nga ba ang PLDT nakabili ng ilang porsyento ng Levelup!Games? At i-bundle nila sa Smart Bro?

Lintik na, ang PLDT dapat na tanungin dyan sa "ping discrepancy" (no ping sa Levelup, maraming ping sa e-Games) at samakatuwid unfair ang ginagawa nila sa mga manlalaro natin. Akala ko ba tapos na ang giyerahan sa cellphone e amfefe broadband naman ang bagong digmaan! Ewan ko ba kung sinong talo dito, yung e-Games ba o ang mga Ranatic na naka-PLDT/Smart Bro?

Tingnan mo naman tuloy sa Forums, sandamukal na reklamo mula sa Ranatics na users ng myDSL at Smart Bro... LAG! At para bang namemersonal na ang ibang tao kahit na sabihin nila na hindi.

Hacked Isa pa, halos ang ilang kakilala kong player (na tutoong babae pala) e nalintikan ng mga hacker na sumisilip sa likuran nila kapag naglalaro sa rentahan.

post comment

Stealth MOD! [22 Nov 2006|05:53pm]
[ mood | cheerful ]

Photobucket - Video and Image Hosting
How's that for suuupersexxxay?

post comment

Another Trouble Spot [19 Nov 2006|02:29am]
[ mood | disappointed ]

http://forums.e-games.com.ph/index.php?topic=7684.new#new

Ayoko sanang magprangkahan pero parang understaffed na yung tech support kumpara sa populasyon ng mga player, tapos malamang malaki ang backlog sa mga problemang di nareresolba katulad ng hacked accounts, scams, atbp.

post comment

"Free2Play" Scheme, Pasubok Raw sa States! [18 Nov 2006|01:47pm]
http://www.next-gen.biz/index.php?option=com_content&task=view&id=3081&Itemid=32

Bilang MMO provider, one-shot na susubukan ng Acclaim kung magiging patok sa US ang "free2play" scheme.
post comment

Truth [14 Nov 2006|01:32pm]

One million users against only a dozen tech support personnel...
post comment

Bakit Hindi Pwede Magdagdag ng Channel? At Iba Pang Problema [12 Nov 2006|12:23am]
Parating tanong ng maraming manlalaro ng Ran, dahilan sa full na yung channel: "GM PADAGDAG NG CHANNEL!"

At natural na sagot ng GM ay: "Hanggang tatlo lang po."

Tatlo. Ito ang itinakda na limitasyon ng mga developers ng Ran Online, ang Min Communications, nang idinesenyo nila ang laro at expected nilang capacity para sa bawat channel ay mga 5,000 hanggang 10,000 na concurrent players na nasa loob.

Sa ayaw o gusto natin, ang tatlong channel ay mananatiling fixed hanggang sa maglabas ang Min ng bagong server-side software para sa Ran na kayang mag-accomodate ng mas maraming channel sa makakaya ng server hardware, kaya ang magagawa ng manlalaro ay magtiis.

Speaking of servers, ang bawat server na ginagamit sa online gaming -- at sa iba pang aplikasyon na pang-korporasyon -- ay hindi biro ang presyo. Umaabot sila ng milyong piso o dalawa bawat unit, at natural kailangan ng isang team ng mga propesyonal na magpatakbo ng ganoong klaseng server araw-araw. Kaya magpasalamat tayo na naglalaro sa isang lehitimong server na may kayang humawak ng libu-libong player, at hindi sa mahinang private server na pangbahay lamang... na natural bumabagsak kapag may idinadaos na event.

At bandang huli, napakalaking suliranin ang naranasan ng mga manlalaro dahil sa LAG. Opo, mga kaibigan, ang lag ang nagpapasira sa enjoyment sa laro, at itinuturo na ang mga server ng Ran ay laging may lag.

Pero ako'y hindi nagtataka, kasi sa liit ng panahon sa pagitan ng pormal na pagbukas ng Ran hanggang sa ngayon lumaki ang populasyon ng mga manlalaro dahil sa "free2play" scheme, kaya kasabay na rin ang paglitaw ng problemang lag.

Ang karamihan, gusto ng maraming server, ngunit sa isip ko ibang improvements ang hinahanap ko para tumagal pa ang Ran. Heto ang mga sumusunod:

1.) Upgraded internet connection -- hindi na sapat ang kapasidad ng koneksyon ng e-Games sa Internet kaya nagiging "bottleneck", kaya dapat doble ang laki ng kanilang bandwidth para mapagkasya ang dami ng mga manlalaro.

Sabi ng ilan ang Ran ay gumagamit ng linya mula sa Globelines, kaya malamang mayroong interconnectivity conflict sa pagitan ng mga game servers at sa mga gumagamit ng Smart Bro (wireless broadband) at ng PLDT myDSL. Ang remedyo ay i-ayos na ang interconnection conflict o -- para sigurado talagang walang sabit -- magswitch mula sa Globelines papunta sa PLDT.

Well, sa tutoo lang hindi pare-parehas ang takbo ng DSL ng PLDT sa iba't ibang lugar. May mga service areas ng PLDT ay maganda ang takbo ng broadband, at mayroon ding lugar na talagang talamak ang disconnection o lag.

2.) Upgraded game servers -- sa karanasan ko sa pagbuo ng mga PC, isang paraan na maitaas ang performance at kapasidad ng computer ay hardware upgrade: doblehin ang memory, dagdag na CPU para sa parallel processing, dagdag na Ethernet gigabit adapters, at iba pang performance upgrades para makaginhawa ang takbo ng server.

3.) Improved datacenter networking -- kapag hindi maayos ang takbo ng cable (o pangit ang kalidad ng cable mismo) ng gigabit network sa loob ng datacenter, ang dali na magkaroon ng lag dahil sa pagkabuhul-buhol ng cable at exposure sa anumang signal interference.

4.) Limit sa dami ng mga naglalaro -- sa dami ba naman ng naglalaro, lalo na ang libreng oras, hindi magtataka na kapag puno na ang server matakaw na rin sa lag. Ayaw man o gusto, mabuti pang magbigay muna ng population cap na kung saan makakayanan ng server ang bigat ng mga manlalaro.

5.) Field testing -- para masigurado na ayos ang Ran kahit saan, suggestion ko rin na ang mga sysadmins at kanilang personnel na mag-field test sa iba't ibang network gaming center sa buong Pilipinas para matingnan kung anong klaseng problema ang nararanasan ng manlalaro at on-the-spot gawan agad ng remedyo.

At oo nga pala, ang mga computer natin hindi pare-parehas ang timplada kaya minsan may mabilis ang takbo ng Ran, mayroon ding makupad pa sa pagong. Kaya ang mga "pagong" ay dapat ayusin na agad ang performance.
post comment

Good News, Bad News [04 Nov 2006|01:31am]
[ mood | wtf ]

Good News:

* Online na ang bagong Tala
* New Forums (http://forums.e-games.com.ph/index.php) -- naninibago na ako sa bagong takbo ng forum software.

Bad News:

* Marami pang reklamo na kailangang ayusin, dagdag pa ang mga tipikal na trabaho bilang moderator.

post comment

State of Ran Address [27 Oct 2006|10:58am]
[ mood | satisfied ]

For our English-speaking readers:

To all RAN players,

The downtimes and server issues lately is totally unacceptable, and myself and the e-games team apologizes for it. We are doing everything to address the issue, and to provide the most stable environment. This is our highest priority.

RAN Online is more popular than anyone was ready for.

From our analysis, we found the cause of the problems to be our servers being too full. As a result, we will be launching new servers immediately, and ordering even more servers for the coming month. Additionally, we will be pushing for server migrations on Strife and Havoc, to better balancing the populations on our servers. We will be offering the migration services at the start, free of charge.

Please be patient with us, the fifth server will be launched in a few days.


As always, I do check my messages, so any of the gamers can contact me.

Thanks again,

Steve Tsao
President / IP-EGames


Para sa mga kababayan natin:
Sa lahat ng RAN Players,

Nitong huling mga araw, nakaranas ang RAN Online ng mga downtimes at ilan pang issues sa mga servers nito. Ang mga nasabing downtimes ay hindi inaasahan, at ako at ang lahat ng bumubuo ng IP e-Games ay lubos na humihingi ng inyong pag-unawa at pasensya. Makakaasa po kayo na sa ngayon ay ginagawa namin ang lahat upang manumbalik ang kalidad sa paglalaro ng RAN Online.

Kayo po, aming players, ang pangunahin naming priyoridad.

Sa aming pagsaliksik sa pangyayari, napag-alaman naming ang downtimes ay sanhi ng masyadong pagkapuno ng mga servers. Nakakagulat na ang RAN Online ay mas laganap pa kaysa sa inaasahan. Dahil dito, napagpasyahan naming magtayo ng iba pang servers sa lalong madaling panahon. Maaari din pong magkaroon ng libreng server migrations, o paglilipat ng players, mula sa Strife at Havoc, upang mabalanse ang dami ng mga players sa mga servers. Ang ikalimang server ay paparating na rin sa loob ng ilang araw.

Muli, hinihingi po namin ang inyong pag-unawa. Makakaasa po kayo na higit pa naming pagbubutihan ang aming serbisyo. Ako po ay bukas pa rin sa lahat ng reaksyon at suhestiyon mula sa inyo.


Maraming salamat muli,
Steve Tsao
President, IP e-Games


Change is good. Change is revolutionary. Change should be a win-win situation. Let's get united and see what we can do. Paraphrasing John F. Kennedy: "And so, my fellow Ranatics, ask not what your game can do for you; ask what you can do for your game."
post comment

navigation
[ viewing | most recent entries ]
[ go | earlier ]

Advertisement